^

PM Sports

6th straight win puntirya ng Ateneo kontra sa FEU ngayon

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mula sa 0-4 panimula ay sumasakay ngayon ang Blue Eagles sa isang five-time winning streak na si­yang pinakamahaba sa 7th UAAP men’s bas­ket­ball tournament.

Puntirya ang pang anim na sunod na ratsada, sa­sagupain ng five-time cham­pions na Ateneo De Ma­nila University ang Far Eastern University nga­yong alas-2 ng hapon ka­sunod ang salpukan ng University of Sto. Tomas at Adamson University sa alas-4 sa second round sa Smart Araneta Coliseum.

Sa unang dalawang la­ro ng Ateneo ay hindi na­kita sa aksyon si 2012 Rookie of the Year Kiefer Ra­vena dahil sa isang calf in­jury.

“Kung mapapansin nin­yo, ‘yung four wins na ‘yun, not for anything else, nandoon si Kiefer,” sa­bi ni rookie coach Bo Pe­rasol kay Ravena. “Alam naman nila na ‘yung stability, ‘yung lea­dership, nanggagaling kay Kie­fer.”

Sinikwat ng Blue Eagles ang kanilang ikaapat na sunod na panalo matapos talunin ang Falcons, 79-66, noong Agosto 25.

Sa nasabing panalo ay umiskor sina Ravena at Ryan Buenafe ng tig-18 points para sa Ateneo.

Winakasan naman ng FEU ang kanilang two-ga­me losing skid matapos walisin ang first round mu­la sa isang 98-94 double overtime win kontra sa University of the East no­ong Linggo.

Tumipa si Terrence Ro­meo ng career-high na 30 points para sa pana­naig ng Ta­maraws laban sa Red War­riors.

Sa ikalawang laro, mag-uunahan naman sa pag­bangon mula sa kabi­gu­an ang Tigers at ang Fal­cons.

ADAMSON UNIVERSITY

ATENEO

ATENEO DE MA

BLUE EAGLES

BO PE

FAR EASTERN UNIVERSITY

RAVENA

RED WAR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with