^

PM Sports

Lin umaasa ng magandang pick-and-roll kay Howard

Pang-masa

BEIJING -- Sinabi ni Jeremy Lin na nasasabik na siya para sa kanilang tambalan ni Houston Rockets’ center Dwight Howard.

Ayon kay Lin, gusto rin ni Howard ng pick-and-roll game kagaya niya.

“We’re not yet in Houston and haven’t trained together so I don’t know yet,” wika ng 25-anyos na point guard, na nasa  China para sa isang basketball camp.

“But he really likes to play pick-and-roll and I real­ly like to play pick-and-roll, so I hope we can work really well together and really happily learn how to play with each other,” dagdag pa nito kay Howard.

Lumagda si Howard sa Houston matapos maglaro ng isang season sa Los Angeles Lakers.

Kabilang sa mga humikayat kay Howard para mag­laro sa Rockets ay ang mga dating sentro ng Houston na sina Hakeem Olajuwon at Yao Ming.

Nagtala ang Rockets ng 45-37 record sa unang season ni Lin.

Natalo ang Rockets sa Oklahoma Thunder sa first round ng nakaraang NBA Playoffs.

Ang pagkakadagdag kay Howard ay inaasahang mag­papalakas sa tsansa ng Houston para sa NBA title.

Sa kanyang 82 regular-season game, nagtala si Lin ng mga averages na 13 points at 6.0 assists.

“Right now I know there’s always speculation about what might happen, but I haven’t made any decisions I haven’t thought about it and I’m going to approach that question when the time comes,” wika ni Lin, sumikat dahil sa katawagang ‘Linsanity’ noong nakaraang season.

Ang paglipat ni Howard sa Rockets ay base na rin sa kanilang hindi pagkakasundo ni Lakers’ superstar Kobe Bryant.

Nang magkaroon ng injury si Bryant ay si Howard ang tumulong sa Lakers patungo sa playoffs.

 

DWIGHT HOWARD

HAKEEM OLAJUWON

HOUSTON ROCKETS

HOWARD

JEREMY LIN

KOBE BRYANT

LOS ANGELES LAKERS

OKLAHOMA THUNDER

YAO MING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with