NU Bullpups, FEU Lady Tams kinuha ang Final Four berth

MANILA, Philippines - Itinuloy ng National Uni­­versity ang kanilang rat­­sada sa siyam na laro, ha­­bang patuloy naman sa pag­hahabol ang Ateneo De Manila University sa UAAP Season 76 juniors bas­­ketball tournament.

Tinalo ng NU Bullpups ang nagdedepen­sang FEU-Diliman Baby Ta­­ma­­­raws, 63-40, at inangkin ang unang tiket sa se­mifinal round sa Blue Eagle Gym.      

Humakot si Manuel Mos­­queda ng 14 points, 5 re­­bounds at 5 assists, habang nagdagdag si Mark Dyke ng 12 points at 17 boards para sa 9-0 record ng NU.      

Nagtala naman si Thir­dy Ravena ng 21 points at 13 rebounds para ban­de­rahan ang Blue Eaglets sa 64-54 paggupo sa karibal na La Salle-Zobel Junior Ar­chers para sa kanilang 7-2 record.

Sa iba pang laro, umiskor si Camillus Altamirano ng 11 points para igiya ang University of the East Ju­nior Warriors sa 48-46 over­time win laban sa Uni­versity of the Philippines Integrated School Ju­nior Maroons.

Nagtumpok sina Ice Dandan at Ryan Sy Yap ng pinagsamang 22 points at 19 rebounds sa pag­ha­tid sa University of Santo To­mas Tiger Cubs sa 69-62 overtime victory kon­tra sa Adamson Baby Fal­cons.      

Sa women’s division, di­­­naig ng nagdedepensang FEU Lady Tams (9-1) ang Adamson Lady Fal­cons, 50-45, para sik­wa­tin ang unang silya sa Fi­nal Four.

Pinayukod ng La Salle Lady Archers ang NU Lady Bulldogs, 77-69,  at gi­­niba ng UST Tigresses ang Ate­neo Lady Eagles, 63-60.

 

Show comments