Tamaraws nakabangon sa 2-game slump; Blue Eagles itinala ang 4-game winning run
MANILA, Philippines - Bumangon ang Far EasÂtern University mula sa dalawang sunod na kaÂmalasan nang gibain ang UniÂversity of the East buhat sa isang double-overÂÂtime win, 98-94, sa seÂÂcond round ng 76th UAAP men’s basketball tourÂÂÂnament kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Matapos walisin ang first round ay natalo ang FEU sa National University at De La Salle UniÂverÂÂsity sa pagsisimula ng seÂcond round.
Nagwakas naman ang itinalang four-game winning streak ng UE.
Kinuha ng FEU ang 65-48 bentahe sa 7:58 sa fourth quarter bago nakabalik ang UE para itabla ang laro sa 70-70 sa huÂling 50 segundo patungo sa unang overtime.
Ipinoste naman ng Red Warriors ang 84-77 kaÂlamangan sa natitirang 23 segundo kasunod ang ratÂsada nina Romeo at Gryann Mendoza para idiÂkit ang Tamaraws sa 82-84 agwat sa huling14 seÂgundo.
Matapos ang split ni Roi Sumang para sa 85-82 kaÂlamangan ng UE, nagsalpak naman si Tolomia ng isang tres para itabla ang labanan sa 85-85 papunta sa ikalawang extension period.
Mula sa 87-91 agwat sa 3:04 ay naghulog ng isang 8-0 bomÂba ang Tamaraws muÂla kina Romeo at MenÂdoÂÂza.
Sa unang laro, muntik nang mauwi sa basura ang itiÂnayong 27-point lead ng five-time champions AteÂneo matapos makabalik sa porma sa dulo ng fourth quarter para paÂdapain ang Adamson, 79-66.
Ito ang ikaapat na dikit na ratsada ng Blue Eagles matapos ang 0-4 paniÂmula.
- Latest