MANILA, Philippines - Anumang araw ay ihahayag na ni Allen Iverson ang kanyang retirement sa NBA. Unang iniulat ng SLAM Magazine na ang 2001 NBA MVP at 11-time All-Star ay magreretiro na matapos lumaro sa Turkey.
Hindi nakalaro si Iverson sa NBA sapul noong Feb. 2010 at marami nang hindi magandang balita ang naririnig sa kanya.
Iiwanan ni Iverson ang NBA nang hindi kunin ng mga NBA squads noong 2010-11, 2011-12, 2012-13 seasons at posibleng hindi pa rin makakalaro ngayong 2013-14 season.
Bagama’t hindi pa matanda si Allen nang iwan niya ang Philadelphia 76ers sa edad na 34, iyon na marahil ang naging katapusan ng kanyang NBA career.
Alam ng mga NBA general managers na iniwan ni Iverson ang Philadelphia noong December ng 2006 (bago ibinigay sa Denver) at lumipat sa Memphis Grizzlies at hindi naging maganda ang kanyang na-ging pakikipaghiwalay sa mga koponang ito.
Sa tingin ng mga teams, mas mabuting malayo sa arena si Iverson kaysa maglaro para sa kanila.
Bago ito, lumikom ang 6-footer na si Iverson ng mahigit 24,000 points dahil sa kanyang scoring guard mentality para sa 26.7 career points per game average kasama ang 6.2 assists per game na kinapalooban ng apat na NBA titles.
Inihatid niya ang may kahinaang Philadelphia 76ers sa NBA Finals noong 2001, at tinulu-ngan din niya itong makapasok sa walong playoffs.
Sumikat si Iverson dahil kahit maliit ito ay kaya niyang makipagsabayan sa mga mahuhusay na malalaking players sa NBA at nakilala rin siya dahil sa kanyang buhok na cornrows at napakaraming tattoo.