Gold at silver pa hatid ng taekwondo jins mula sa AYG

NANJING –Kumopo ng gold ang Philippines sa Asian Youth Games kagabi bago matapos ang kompetisyon na inihatid ni taekwondo jin Pauline Louise Lopez sa Longjiang Gymnasium.

Tinalo ni Lopez, nakatira sa  US, si Kazakhstan bet Fariza Aldangorova, 4-2, in the finals sa harap ng maliit na Filipino delegation.

Sa semifinals, naungusan ng 17-anyos na si Lopez ang Jordanian na si Rania Fawareh, 8-7 matapos maka-bye sa 55 kg division.

“I’m still shaking. I’m speechless. All the hard work paid off,”sabi ni  Lopez pagkatapos ng panalo.

Bago ito ay inangkin ni Francis Aaron Agojo ang silver medal sa taekwondo 53 kg boys’ class.

Tinalo ng estudyante ng Ateneo de Manila si Malaysian Navin Ari Krisnasamy sa quarterfinals, 11-4, at isinunod si Kazakhstan bet Yerassyl Kaiyrbek sa semis, 9-8.

Ngunit natalo naman si Agojo, magiging 17-anyos sa Nobyembre, sa gold medal round ng 53 kilogram kontra kay Ramnarong Sawekwiharee ng Thailand, 11-7.

Tanging ang kanyang coach na si Dax Morf at kakamping si Lopez ang nagsilbing cheerer ni Agojo sa Longtian Gym.

Nakatakda pang lumaban si Lopez sa girls’ 55 kg.

“ I tried my best to win the gold for our country but I’m happy and proud of what I achieved here,” wika ni Agojo, ang gold medalist sa 2012 Korea Open.

Sa kabuuan, kumopo ang mga Filipino athletes ng   isang gold at dalawang silver medals na.

Sina Mia Legaspi at Princess Superal ang kumuha ng gold at silver medals sa girls’ golf para pagandahin ang nakamit na isang silver at isang bronze medal ng bansa noong 2009 sa Singapore.

Nakatiyak na si Jurence Mendoza ng bronze medal sa kanyang pagpasok sa semis ng boys’ tennis at nakatakdang labanan si Indian Garvit Batra sa hangaring makapasok sa finals.

 

Show comments