Ibinibenta na ang mansiyon ni Manny sa US

MANILA, Philippines - Sa isang ulat ng real estate blog na Realtor.com, inihayag na ibinibenta ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao ang kanyang mansiyon sa Los Angeles, California.

May presyo ang two-storey Mediterranean style mansion ni Pacquiao sa Hancock Park sa Los Angeles sa hala-gang $2.7 milyon.

Binili ng Sarangani Congressman ang nasabing mansyon noong 2009 sa halagang $2.17 milyon, ayon sa public records.

Ang nasabing five-bedroom pro-perty ay may magarang kusina.

Mayroon itong gourmet appliances, isang built-in coffee bar at malaking kitchen island na may lumulutang na glass hood, habang makikita mula sa master suite balcony sa second floor ang isang swimming pool at spa.

Naitampok ang mansyon ni Pacquiao sa TV episode ng MTV Cribs noong 2010.

Sa nasabing segment, sinabi ni Pacquiao na ang mansyon ay nagsisilbi niyang home base tuwing may laban sa U.S.

Matapos itong maipalabas ay apat na magnanakaw ang nagtangkang pasukin ang mansyon ni Pacquiao, ngunit walang nakuha kahit anong gamit.

Show comments