Leonor nakabawi

MANILA, Philippines - Pinawi ng kabayong Leonor ang kabiguang inabot sa paglahok sa Hopeful Stakes race nang patunayan na isa siya sa mga mahuhusay na three-year old filly nang pagharian ang 2013 Lakambini Stakes Race noong Sabado sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Si John Ryan Ponce ang gumabay uli sa kabayo at naibaon ng tambalan sa limot ang pang-sampung puwesto na naitala sa 1st leg ng Hopeful Stakes race noong Mayo 18 matapos ipamalas ang lakas sa pagremate upang dominahin ang tampok na karera at pinag-labanan sa 1,800-metro distansya.

Naorasan ang kabayong pag-aari ng Hideaway Farm Corporation at may lahing Ultimate Goal at Escutchon ng 1:56 sa kuwartos na 13’, 24, 25, 25, 28’ upang maibulsa rin para sa winning connections ang P720,000.00 gantimpala mula sa P1.2 milyon na inilaan ng nagtaguyod na Philippine Racing Commission (Philracom).

Tersero ang Amberdini bago kinumpleto ng Wild Ginseng ang datingan nang unang mailusot ng kabayong pag-aari ni Hermie Esguerra at sakay ni John Alvin Guce ang tungki ng ilong sa kinapos na Appointment.

Nagkamal ang mga connections ng tatlong nasabing kabayo ng P270,000.00, P150,000.00 at P60,000.00 premyo.

Ang mga nanalig sa husay ng Leonor ay nabiya-yaan ng P25.50 dibidendo habang ang 7-3 forecast ay nakapagpamahagi pa ng P398.00 dibidendo.

Nagpasikat din ang 2-year old horse na Kukurukuku Paloma matapos ang dominanteng panalo sa 2YO Maiden race na inilagay sa 1,200-metro distansya.

Sakay ni Val Dilema at pumang-apat sa isang 2YO Maiden race noong Agosto 11, isinantabi ng tambalan ang pagkakalagay sa malayo sa alisan nang kainin ng Kukurukuku Paloma ang halos limang dipang layo na naiposte ng unang bumanderang Coral Princess.

 

Show comments