Filipino athletes wagi sa badminton talo naman sa judo sa 2nd AYG
NANJING, China – TaÂnging sa badminton naÂkaÂpagtala ng panalo ang mga Filipino bets sa 2nd Asian Youth Games.
Bagama’t natalo si Lea Inlayo sa first set kay CamÂbodian Pichchoravy Ker ay nakabawi naman ito sa sumunod na dalawang laban para kunin ang 14-21, 21-9, 21-8 paÂnalo sa Nanjing Sports InsÂtitute Gym.
Kabiguan ang sinapit ni Alvin Morada kay MiÂnoÂru Koga ng Japan, 21-13, 21-18, dahil sa kanyang mga errors.
Nagtulong naman siÂna Inlayo at Marky AlÂcaÂla para igupo sina Peoples ReÂpublic of Korea bets Kumsong Ri at Unjong Kim, 21-5, 21-9, sa mixed doubles.
Sa judo, natalo si Miam Salvador kay O Son Hui ng Korea via Waza-Ari with Ketsa-gatame sa 01:24 sa girls’ minus 44 kg., habang nabigo si Floyd Derek Rillera kay AhÂmed Aburumaila ng PaÂlestine.
Sina Renzo Cazenas at Jann Ken Raquepo ang naÂiÂwang panlaban ng bansa sa judo.
Yumukod si weightlifÂter Elien Rose Perez matapos pumang-walo sa girls’ 48 kg. mula sa kanyang mga buhat na 55-55-60 sa snatch at 70 sa clean and jerk para sa 130 kg. total.
Inangkin ni Jang Huihua ng China ang gold meÂÂdal.
- Latest