EL SEGUNDO, Calif. – Nakipagkasundo si German forward Elias Harris sa two-year contract sa Los Angeles Lakers, ayon sa pahayag ng team.
Naglaro si Harris nitong huling 4-taon sa Gonzaga kung saan nag-average ito ng 14.6 points at 7.4 rebounds noong nakaraang season.
Matapos ‘di ma-draft, naging malaking tulong si Harris sa Lakers noong summer league sa Las Vegas kung saan nag-average ito ng 10.2 points at 5.6 rebounds sa pagiging starter sa 5-games.