‘Simula pa lang ito’ - MVP
MANILA, Philippines - Naniniwala si Samahang Basketbol ng PilipiÂnas president Manny V. PaÂngilinan na umpisa pa laÂmang ang nagawa ng GiÂlas Pilipinas na makasiÂguro ng slot sa FIBA World Championships sa kaÂtatapos lamang na FIBA-Asia Championships.
Ayon kay Pangilinan, ang utak at siyang namuÂno para makabalik ang banÂsa sa FIBA_World na gaganapin sa Spain sa suÂsunod na taon, marami pang mangyayari sa PhiÂlippine basketball sa paÂmamagitan ng tagumpay ng Gilas Pilipinas progÂram.
“This is just the beginning,†sabi ni Pangilinan na kilala ng lahat bilang MVP, patungkol sa silver medal finish ng Gilas. “In the next few days, we’ll meet with the team coaching staff to talk about the program.â€
Wala pang nakapla-nong susunod na hakbang paÂra sa Gilas ngunit nakaÂtakdang makipag-usap ang SBP at Gilas Pilipinas sa Philippine Basketball Association kung ano ang suÂsuÂnod na gagawin.
“We’ll talk when the right time comes,†nauna nang sinabi ni PBA Commissioner Chito Salud sa SBP.
Babalik na ang mga miÂyembro ng National team sa kani-kanilang mga PBA moÂther clubs.
Kaya kailangang maÂkiÂpag-usap ng SBP sa PBA kung paano gagawin ang partisipasyon sa Spain sa susunod na taÂon.
Bagama’t hindi pa alam ang kalakaran sa PhiÂlippine basketball, sinabi ni American coach Tab Baldwin na kinuhang consultant ng Gilas na hindi maÂgiging makatarungan at isang malaking pagkakaÂmaÂli kung bubuwagin ang kasalukuyang Gilas Team.
“If you’re to be comÂpeÂtitive in the world, you can’t really make compromises,†ani Baldwin. “This sort of thing has the ability to bind the comÂmuÂnity and make everyÂboÂdy pool together for a greater part.â€
Ngunit hindi lang iisang tao ang makakapagdesisyon ukol sa bagay na ito, marami ang involve.
MaÂdami at mahabang usaÂpan pa ang gagawin.
- Latest