Patuloy na mangangarap ang SBP

MANILA, Philippines - Patuloy na mangangarap ang Samahang Basketbol ng Pilipinas at ang National team program na Gilas Pilipinas kahit nawakasan nila ang matagal na hindi paglalaro ng bansa sa world championship.

“This is just the beginning,” sabi ni SBP president Manny V. Pangilinan sa pagtatapos ng 27th FIBA-Asia Championships kung saan nakakuha ang Gilas Pilipinas ng tiket para sa 17th FIBA World Cup sa Spain sa susunod na taon.

“In the next few days, we’ll meet with the team coaching staff to talk about the program,” dagdag pa ni Pangilinan.

Sinabi naman ni Gilas coach Chot Reyes na hindi pa niya alam ang plano para sa koponan.

“We disciplined our minds just thinking about up to Aug. 11. I don’t even know what will happen tomorrow (today) or the schedule towards the world championship,” ani Reyes. “We really have to sit down with MVP (Manny V. Pangilinan) to chart our course for the future.”

Kakausapin din ng SBP at Gilas Pilipinas ang PBA hinggil sa partisipasyon ng Nationals sa world championships sa Spain sa 2014.

Ang isa pang katanungan ay kung ano ang susunod na plano ng SBP matapos ang world joust.

 

Show comments