Grizzlies pinapirma si Calathes

MEMPHIS -- Pinapirma ng Grizzlies si guard Nick Calathes sa isang two-year deal na nagkakahalaga ng halos $2 milyon, ayon sa ulat ng ESPN.com.

Kinuha ng Memphis si Calathes sa pamamagitan ng isang trade sa Dallas Mavericks.

Tumanggap ang Mavs ng pera bilang kapalit ni Ca­lathes, naglaro ng apat na taon sa Europe.

Inaasahang magiging ikatlong point guard ng Grizzlies si Calathes sa likod nina Mike Conley at Jerryd Bay­less.

Show comments