LeBron nagsilbing juror

AKRON, Ohio -- Ang pagsalang ni LeBron James sa korte ay walang kinalaman sa basketball.

Nagbalik si James sa kanyang lungsod para sa  ju­ry duty, ngunit hindi nagkaroon ng pagkakataon ang Mia­mi Heat star na maging isang juror.

Nagposte ang NBA MVP ng isang litrato sa kanyang social media noong Huwebes ng umaga na may  caption: “Jury duty time. Time to serve my civic duty.”

Dumating si James sa Summit County Courthouse ng alas-8:20 ng umaga, ayon sa Akron Beacon Journal.

Ngunit kaagad din siyang pinauwi kasama ang jury pool ng alas-9:30 makaraang hindi naidaos ang dalawang potensyal na criminal trials.

Nagbasa si James ng libro habang naghihintay na ‘’quietly and appreciatively’’ sa opisina ng jury foreman, wika ni Sheriff’s Lt. Kandy Fatheree sa pahayagan.

Show comments