Laban Pilipinas!
MANILA, Philippines - Kalimutan na ang mga naunang resulta ng mga laro dahil sa araw na ito pa lamang magsisimula ang tunay na laban para sa Gilas National team sa 27th FIBA Asia Men’s Championship sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sa ganap na ika-8:30 ng gabi ay magkakasukatan uli ang National team at Kazakhstan at ang mananalo ay aabante sa semifinals habang ang matatalo ay babagsak na lamang sa battle-for-fifth place.
Kumapit ang suwerte sa tropa ni coach Chot Reyes dahil sila pa ang lumabas na number one team sa Group E matapos talunin ang Hong Kong, 67-55, sa pagtatapos ng group eliminations noong Miyerkules ng gabi.
Magkakatabla sa unang puwesto ang Pilipinas, Chinese Taipei at Qatar dahil tinalo ng Qatari ang Taiwanese team, 71-68. Ngunit dahil ang winning margin ng Qatar ay mababa sa 16 puntos kaya’t ang host team ang nanguna at makakatapat ng pumang-apat sa Group F na Kazakhstan.
Ang Taiwanese team na tumapos sa ikalawang puwesto sa grupo ang makakalaban ng nagdedepensang kampeong China sa ganap na ika-5:45 ng hapon matapos ang pagtutuos ng number one team sa Group F na Iran at 2011 runner-up Jordan sa ganap na ika-3 ng hapon.
Ang Qatar na puma-ngatlo sa Group E ang kalaro ng Korea sa huling laban dakong alas-10:30 ng gabi.
Nakalaro na ng Gilas ang Kazakhstan sa isang tune-up game bago nagbukas ang FIBA-Asia at nanalo ang host team, 92-89.
Pero alam na alam ni Reyes na wala nang halaga ito dahil ibang laro ang inaasahang makikita niya sa bansang dating kasapi ng Soviet Republic.
“The tune-up game allowed us to play them because we don’t have any idea on their style of game. But right now, that tune-up doesn’t mean a thing. In fact, I’m sure both teams have forgotten that already. It’s a brand new game on Friday so we have to be ready,†wika ni Reyes.
Nagpahinga ang liga para makapaghanda ang walong natitirang kopoÂnan para sa kani-kanilang laban at pinag-aralan nang husto ng Gilas ang ikinilos ng Kazakhstan na matapos manalo ng tatlong sunod sa Group D ay hindi nakatikim ng isang panalo sa Group F.
“We know how dangerous Kazakhstan as a team. They are tall with good shooters and a great pointguard. So it’s gonna take our best on Friday,†sabi pa ni Reyes.
Tiwala naman ang mga Gilas players sa tsansang manalo at mismong si naturalized 6’10†center Marcus Douthit ang nagsabing handa niyang balikatin ang koponan kahit may iniindang bruised calf muscle.