^

PM Sports

Asian Junior Wushu Championships PHL wushu artists may ‘100 na misyon’

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pakikinangin ng husto ng Wushu Federation of the Philippines (WFP) ang kauna-unahang hosting ng bansa sa Asian Junior Wushu Championships sa pamamagitan ng pagsikwat ng ika-100th ginto sa pangkalahatan.

Sa pagdalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon, inanunsyo ni WFP secretary-general Julian Camacho ang pagbibigay ng insentibo sa mga mananalo ng ginto sa 15-atletang ipanlalaban kontra sa mga lahok mula sa 23 iba pang bansa sa apat na araw na kompetis-yong gagawin sa Makati Coliseum.

“Hindi pa nagsisimula ang event pero may plano na kami na magsagawa ng victory celebration. Naghanda ang ating mga manlalaro and we are confident we will be able to bring our total gold me-dals won in different international tournaments to 100 gold medals after this Championships,” wika ni Camacho na sinamahan sa pagpupulong ni deputy sec-gen Red Dumuk at movie actress at wushu ambassadress Bea Binene.

May 93 gold medals na ang naibigay ng WFP sa bansa sa lahat ng international tournaments na sinalihan at kailangan lamang nila ng pito pa para umabot na sa 100 ang kabuuang gintong napanalunan.

Aksyon sa taolo (form) at sansho (sparring) ang paglalabanan sa apat na araw na kompetisyon at mangunguna sa pambato ng Pilipinas ay ang tubong La Trinidad, Benguet na si Alieson Ken Omengan na nagwagi ng ginto sa 4th World Junior Wushu Championships sa Macau, China noong nakaraang Setyembre.

Si Faith Liana Andaya na kumuha ng pilak sa World event ay palaban din sa kababaihan habang si Nel Alibata ang pambato sa sanshou matapos ang bronze medal na pagtatapos sa Macau.

Ang iba pang panlaban sa taolo ay sina Dave Degala, Agathan Chrystenzen Wong, Vanessa Jo Chan, Joel Casem, Kimberly Macuha, Christian Nicholas Lapitan at Johnzenth Gajo habang sina Thommy Aligaga, Clemente Tabugara Jr., James Daquil, Vivine Wally at Vita Zamora ang iba pang sasabak sa sanshou.

Ang 15-anyos na si Binene na pumasok sa wushu tatlong taon na ang nakalipas, ay tiwalang maaabot ng delegasyon ang target na gintong medalya.

Ang aksyon ay magsisisimula bukas at ang taolo ay gagawin mula ika-9 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali bago bumalik mula ika-7:30 hanggang ika-10:30 ng gabi.

AGATHAN CHRYSTENZEN WONG

ALIESON KEN OMENGAN

ASIAN JUNIOR WUSHU CHAMPIONSHIPS

BEA BINENE

CHRISTIAN NICHOLAS LAPITAN

CLEMENTE TABUGARA JR.

DAVE DEGALA

JAMES DAQUIL

JOEL CASEM

JOHNZENTH GAJO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with