Oden maglalaro sa Miami Heat

MIAMI -- Kailangan pa ni Greg Oden ng sapat na panahon para magpakondisyon sa kanyang pag­lala­rong muli sa NBA.

Ngunit hindi na niya ka­ilangan ng bagong ko­po­nan.

Kinuha ang dating No. 1 overall draft pick ng two-time defending NBA champion Miami Heat.

Hangad ni Oden na bu­hayin ang kanyang NBA career na natabunan ng kanyang problema sa tu­hod.

Ang pagkuha sa 7-footer ang magpapala­kas sa tsan­sa ng Heat para sa kanilang ‘Grand Slam’ sa dara­ting na season.

Sinabi ni Mike Conley Sr., isa sa mga agent ni Oden, pumayag na ang dating Portland center sa alok ng Miami na halos $1 milyong kontrata para sa da­rating na season.

Magkakaroon rin siya ng isang player option pa­ra sa 2014-15.

“He just thought that it was the best fit for him, where he’s at and especially for how it relates to him coming back,” wika ni Conley kay Oden. “He can be on a winning team and be working his way in slowly.”

Inaasahang lalagdaan ni Oden ang kontrata sa Heat nga­yong linggo.

“I think a 7-footer can help any team,” sabi ni point guard Mario Chal­mers, isa sa mga bayani ng Heat sa 2013 NBA Finals. “They’re hard to find. I’ve known Greg since our high school days.”

 

Show comments