‘Great Wall’ giba sa Korea
Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena, Pasay City)
11 a.m. China vs Malaysia
1:15 p.m. Chinese-Taipei vs Saudi Arabia
3:30 p.m. Japan vs Hong Kong
5:45 p.m. Korea vs Iran
8:30 p.m. Gilas vs Jordan
10:30 p.m. Thailand vs India
(Ninoy Aquino Stadium)
6 p.m. Kazakhstan vs Bahrain
MANILA, Philippines - Nanggulat agad ang Korea nang pataubin ang nagdedepensang kampeon na China, 63-59, sa pagbubukas ng 27th FIBA-Asia Men’s Championships kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ginamit ng Koreans ang husay sa pagbuslo sa free throws sa huling 31.2 segundo para makuha ang panalo sa mahigpitang labanan na kinatampukan ng pitong beses na palitan ng kalamangan ng dalawang koponan na nagtabla din ng 11 beses.
Anim lamang sa 30 free throws ang naisablay ng Koreans at sina Cho Sungmin at Yang Donggeun ay nagsanib sa 6-of-6 matapos ang huling tabla sa 57-all tungo sa 1-0 karta sa Group C.
“China has taller guys than us so we practiced hard. I’m happy we overcome their height and the credit should go to all the players for giving their best,â€wika ni Korean coach Yoo Jae Hak gamit ang interpreter.
Ang pagkatalo ay ‘di magandang pagsalubong sa bagong Greek coach ng China na si Panagoitis Giannakis.
“We played a nervous game, we tried to control the game but we gave up many points on free throws and missed layups and a lot of easy baskets. We didn’t play the way we want tonight but it’s a long tournament and maybe we face Korea again,†wika ni Giannakis.
Si Sungmin ay mayroong 15 puntos habang si Yoon Ho-yong at Yang ay naghatid ng 12 at 11 puntos habang ang NBA veteran na si Yi Jianlian ay mayroong 23 puntos at 10 rebounds kahit iniinda pa ang hamstring injury.
Habang sinusulat ang balitang ito ay kasalukuyang kalaban ng Gilas Pilipinas ang Saudi Arabia at inaasahan ang magaang panalo.
Samantala, inilampaso ng 2007 at 2009 FIBA-Asia champion na Iran ang Malaysia, 115-25 matapos buksan ang laro sa 42-3 atake.
Halatang wala sa kondisyon ang Malaysians na apektado sa pagpanaw ng kanilang key player na si Jacky Ng Kiat Kee, 25-gulang, dahil diumano sa atake sa puso.
- Latest