^

PM Sports

Azkals dadayuhin ang Indonesia sa Aug. 14

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magkakaroon ang Philippine Azkals ng isang friendly game laban sa Indonesia sa Agosto 14 sa Central Java, Indonesia.

Ito ang inihayag ng Philippine Football Federation kahapon sa kanilang official website.

“The PFF has accepted the invite of the Football Association of Indonesia (FAI) for a friendly match between the A teams of Philippines and Indonesia on August 14, 2013 at Solo, Central Java, Indonesia,” wika ni PFF general secretary Edwin Gastanes.

Huling nilabanan ng Azkals ang koponan ng Indonesia noong Hunyo 5 ng nakaraang taon na idinaos sa Rizal Memorial Stadium.

Dahil sa gulo sa nasabing laro ay siyam na Azkals na lamang ang natira sa tropa ni German head coach Michael Weiss.

Nagtulungan ang magkapatid na Phil at James Younghusband sa pag-iskor para makatabla ang Azkals sa 2-2 makaraang mapatalsik sa laban sina Chieffy Caligdong at Manny Ott sa second half.

Matapos ito ay umangat ang ranggo ng Pilipinas sa No. 23 sa listahan ng Asian Football Confederation (AFC) at nalagay sa No. 144 sa buong mundo.

Ang Indonesia ay naging No. 34 sa AFC at No. 168 sa buong mundo.

 

ANG INDONESIA

ASIAN FOOTBALL CONFEDERATION

AZKALS

CENTRAL JAVA

CHIEFFY CALIGDONG

EDWIN GASTANES

FOOTBALL ASSOCIATION OF INDONESIA

INDONESIA

JAMES YOUNGHUSBAND

MANNY OTT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with