MILO Marathon dinagsa ng 42,214 runners Raterta, Panique wagi sa Manila leg

MANILA, Philippines - Kung may bagay mang pinaglalaanan si Lui­sa Raterta ng kanyang mga nakukuhang premyo sa bawat tinatakbuhang ma­rathon, ito ay ang ka­nilang house and lot sa Lakeville Subdivision sa Sta. Rosa, Laguna.

“Ten years to pay at P700,000 ‘yung house and lot na kinuha namin. La­hat ng premyo ko doon ko inilalagay,” sabi ng 32-anyos na si Raterta na ina ng tatlong anak na ba­bae.

Ayon kay Raterta, kulang pa siya ng P200,000 sa kanyang hulog.

At malaki ang maitu­tu­long ng nakuha niyang P50,000 sa pagrereyna sa 42-kilometer race ng Manila eliminations para sa 37th National MILO Ma­ra­thon kahapon sa MOA Grounds sa Pasay City.

Nagsumite si Raterta ng oras na 03:14:17.77 pa­ra talunin sina Jennylyn No­bleza (03:37:27.77) at Geralden Sealza (03:32:40.76). 

Muntik na ring hindi makasali si Raterta sa Manila leg.

“Actually, wala tala­ga akong nakuhang race number kasi masyadong ma­raming nagpa-register sa 42K,” ani Raterta. “Ma­buti na lang may isang tao sa MILO na nagbigay sa akin ng chance para ma­ka-join. Nakiusap lang ta­laga ako na makasali.”

Kabuuang 2,530 runners ang nagpalista sa 42K, habang 30,184 sa 5K, 4,000 sa 21K, 3,584 sa 10K at 1,906 sa 3K pa­ra sa kabuuang 42,214 bi­lang na isa nang record sa MILO Marathon.

Nakipaglaban si Ra­­ter­ta may Nobleza mu­la um­pisa ng karera.

At nang maagaw ang una­han ay hindi na niya ito binitawan.

Pinagharian naman ni Eric Panique ang men’s class mula sa kanyang ti­yempong 02:30:20.51 pa­ra kunin ang premyong P50,000 kasunod sina Irineo Raquin (02:30:20.73) at Jeson Agravante (02:41:55.78).

Sa men’s 21K, nagtala si Richard Salano ng bilis na 01:14:36 para pangunahan ang men’s division, habang nagreyna si Mo­n­ca Torres sa women’s class mula sa kanyang 01:29:57.

Nagbida sina Ken­yan runners Benjamin Kipkasi at Joan Ayabei sa men’s at women’s 10K mu­la sa kanilang mga bi­lis na 00:32:14 at at 00:38:12, ayon sa pagka­ka­sunod.

Show comments