Miller babalik sa Grizzlies

MEMPHIS, Tenn. – Sinabi ni Mike Miller na babalik siya sa kanyang pinanggalingan matapos makipagkasundo sa Memphis Grizzlies.

Kinumpirma ni Miller ang deal nitong Miyerkules, halos isang linggo matapos siyang italaga ng Miami bilang kanilang amnesty player pagkatapos ng tatlong seasons sa Heat.

Makakakolekta pa si Miller ng mahigit $12 million suweldo mula sa Heat para sa susunod na dalawang seasons, ngunit hindi ito kasama sa salary cap o luxury tax. Hindi pa pormal na inihahayag ng Grizzlies ang deal.

 

Show comments