PHOENIX – Sinabi ng Arizona appellate court na posibleng kailangang dagdagan ni Los Angeles Lakers star Steve Nash ang kanyang sustento sa tatlong anak at hindi maaaring magsalita ang kanyang ex-wife laban sa kanya sa social media.
Ayon sa ruling ng Court of Appeals panel nitong Martes, posibleng ikonsidera ng judge na magdagdag pa si Nash na higit sa ‘’basic needs’ ng mga bata.
Pinagtibay din ang utos ng judge na hindi puwedeng magsiraan si Nash at ang kanyang dating asawa sa social media.
Sinasabing ginamit ni Alejandra Amarilla Nash ang kanyang Twitter account para batikusin si Nash matapos maipormalisa ang kanilang pagdidiborsiyo noong 2011. Mayroon silang isang anak na lalaki at dalawang babae.