Robinson pinalakas ang Denver Nuggets

DENVER -- Pinabilis ng Denver Nuggets ang kanilang backcourt matapos kunin ang serbisyo ni Nate Robinson.

Nakipagkasundo ang veteran point guard sa isang two-year deal noong Lunes, ayon sa pahayag ng isang source.

Hindi pa opisyal na inihahayag ang naturang kasunduan ng Nuggets at ni Robinson.

Makakasama ni Ro-binson sa backcourt ng Denver si Ty Lawson na inaasahang magpapabilis sa opensa ng koponan.

Ngunit ang paghugot kay Robinson ay maaaring magpasikip sa backcourt ng Denver dahil mayroon nang Evan Fournier, ve-teran Andre Miller, rookie Erick Green at bagong pirmang si Randy Foye.

Nauna nang ibinalita ng Denver Post ang nasabing deal.

Nagtala ang 5-foot-9 na si Robinson ng average 13 points para sa Chicago Bulls noong nakaraang season. Pinataas pa niya ito sa postseason nang kumayod ng 34 points sa isang triple overtime win sa Game 4 laban sa Brooklyn at naglaro na may lagnat sa kabuuan ng serye.

Matapos magdesisyon, isinulat ni Robinson sa kanyang Twitter account na naging mahirap sa kanya ang iwanan ang Bulls.

“I know the NBA is a business but when u build friendships with guys on the team, it’s hard to say goodbye ... Thanks again chitown one love.’’

 

Show comments