MANILA, Philippines - Kakapit pa sa unang puwesto ang Letran sa pagharap sa Lyceum sa pagpapatuloy ng 89th NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.
Ikalimang sunod na panalo ang makukuha ng Knights kapag pinadapa ang Pirates sa unang laro sa ganap na ika-4 ng hapon at maisantabi ang hamon ng San Beda na susukatin ang husay ng Jose Rizal University dakong alas-6 ng gabi.
Nasa ikalawang puwesto ang Lions kasama ang Perpetual Help sa 4-1 karta pero mahahawakan ng tropa ni coach Teodorico ‘Boyet’ Fernandez ang liderato kung mananalo sila at matalo ang Knights.
Dahil sa kahalagahan ng laro, hanap ni Letran mentor Caloy Garcia ang mas magandang panimula para makuha ang kumbinsidong panalo.
Bagama’t may apat na sunod na panalo, napahirapan pa rin ang Knights bago sinusuwerte sa huli tulad ng nangyari sa laro laban sa host St. Benilde na tinalo lamang ng isang puntos, 61-60.
“Four games in a row na puro close. We have to learn how to play better especially sa start ng game. We also have to limit our turnovers,†wika ni Garcia.
Galing ang Lions sa 78-53 panalo laban sa Mapua sa larong naging pisikal.
Handa naman ang Lions na ibalik agad ang kanilang kondisyon para maisantabi ang hamon ng Heavy Bombers na humuhugot ng iba’t-ibang kamador sa bawat laro.
Sa inangking 85-79 panalo sa Emilio Aguinaldo College, nakitaan ng galing si Marco Balagtas sa kinamadang 14 puntos upang may makatulong sina Philip Paniamogan, Michael Mabulac at Paolo Pontejos.
“Masaya ako sa ipinakikitang team work ng mga players. They are sharing the ball and they are also playing good defense at sana hindi ito magbago,†wika ni Me-neses.