MIAMI -- Hindi na kaya ng Miami Heat na bayaran ang suweldo ni Mike Miller.
Nagdesisyon ang Heat na ilagay si Miller bilang amnesty player, isang hakbang para makatipid ang koponan ng higit sa $30 milyon sa bayarin sa luxury tax sa susunod na dalawang taon.
Kamakailan ay inihayag ni team president Pat Riley na umaasa siyang mananatiling buo ang two-time defending NBA champions para sa susunod na season.
Ngunit dahil sa malaking tax, maaaring magbayad ang Heat ng $2.50 sa bawat $1 na sosobra sa kanilang salary-cap para sa darating na season sa ilalim ng bagong patakaran ng liga.
Inasahan na ni Miller na siya ang pakakawalan ng Miami.
“I understand the business side of basketball,’’ sabi ni Miller. “It’s a combination of being very, very thankful for the opportunity that I’ve had, but it hurts that we had a chance to do something very, very special and I’d love to have been a part of it.’’
Sinabi ni Riley na sinubukan nilang i-trade si Mil-ler bago dumating ang pinakamabigat na desisyon na gamitin ang one-time amnesty provision sa kanya.
Nahirapan ding pakawalan si Miller nina general partner Micky Arison, CEO Nick Arison at head coach Erik Spoelstra.