Ninoy Aquino Stadium ayos na bago sumapit ang FIBA-Asia
MANILA, Philippines - Tiniyak ng Philippine Sports Commission na matatapos ang kanilang pagpapaayos sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila bago ang pagdaraos ng 27th FIBA-Asia Men’s Championships sa Agosto 1-11.
Ito ang pahayag kahapon ni PSC chairman Richie Garcia hinggil sa gagamiting venue para sa nasabing torneo na lalahukan ng Gilas Pilipinas.
“We are going to repaint the exterior of Ninoy (Aquino Stadium) as well as the repair of all the lockers, the showers and the restrooms,†wika ni Garcia. “So hopefully, we will be able to finish all of this in time for the event.â€
Nakatakda na ring ika-bit ng PSC ang bagong electronic scoreboard isang linggo bago ang 2013 FIBA-Asia Men’s Championships na ilalaro rin sa MOA Arena sa Pasay City.
Isang kumpanya ng pintura ang sumagot sa paglalagay ng panibagong kulay sa Ninoy Aquino Stadium.
“There are other things na hindi naman namin puwede talagang ipaayos. If we have to repair all of them this will reach all the way to about P3 to P4 million,†ani Garcia.
Makakasama ng Gilas sa Group A ng 2013 FIBA-Asia Men’s Champion-ships ang Saudi Arabia, Jordan at Chinese-Taipei.
Haharapin ng Gilas ang Saudi Arabia sa Agosto 1 kasunod ang Jordan sa Agosto 2 at ang Chinese Taipei sa Agosto 3 sa pagtatapos ng first round.
Ang lahat ng laban ng Nationals ay nakatakda sa alas-8:30 ng gabi sa MOA Arena.
Sa inaasahang pagpasok ng Gilas sa second round ay makakatapat nila ang top three teams mula sa Group B na binubuo ng Qatar, Japan, Hong Kong at Iraq, ang pumalit sa nasuspindeng Lebanon.
Kabilang naman sa Group C ang China, South Korea, Iran at Malaysia at kasama sa Group D ang Kazakhstan, Thailand, India at Bahrain.
Ang top four teams mula sa A-B bracket at ang top four squads ga-ling sa C-D bracket ay magtatapat sa crossover quarterfinals sa pagsisi-mula ng knockout stage.
- Latest