Jumbo Plastic tryout

MANILA, Philippines - Determinado ang Jumbo Plastic Linoleum na bumuo ng palabang koponan para sa PBA D-League kaya magdaraos sila ng three-day tryout simula sa July 22 sa Hope Christian High School gym sa Manila.

Ang tryouts na idaraos din sa July 24 at 26, ay personal na pangangasiwaan ni coach Stevenson Tio mula alauna hanggang alas-3 ng hapon. Ang HCHS gym  ay matatagpuan sa Benavidez St. corner Recto Avenue.

Ang koponang pagmamay-ari ni Jimmy dela Cruz, ay nabigong makapasok sa Final Four matapos ang mainit na simula nang ipanalo nila ang apat sa unang limang games.

Show comments