^

PM Sports

Howard ipinakilala ng Houston Rockets

Pang-masa

HOUSTON – May bagong koponan si Dwight Howard at bagong palayaw.

“He’s not Superman anymore. He’s Rocket Man now,” sabi ni longtime Rockets broadcaster Bill Worrell sa pagpapakilala sa ‘malaking isdang’ nahuli ng Houston sa free agency.

Sa pagsampa ni Ho-ward sa entablado at pagbati sa mga Houston officials kasama sina owner Leslie Alexander at coach Kevin McHale, ilang bago niyang kakampi ang paulit-ulit na sinabi ang ‘Rocket Man, Rocket Man’ na sinuklian ng ngiti ni Howard.

“It means a lot to me just to have a fresh start and have an opportunity to write my own story,” wika ni Howard. “I don’t think people understood the fact that I got traded to L.A., and now I had a chance to really choose my own destiny, and this is the place where I chose and I’m happy about it.”

Binigyan siya ng Rockets ng isang four-year deal na nagkakahalaga ng $88 milyon, isang taon ang kulang at mas mababa sa $118 milyon na maaaring ibigay ng Lakers.

Pormal na ipinakilala ang sentro sa Houston noong Sabado matapos iwanan ang Lakers para pumirma sa Rockets.

Binati siya ng mga pinakasikat na players sa team history.

Kabilang dito sina Hall of Fame center Hakeem Olajuwon at Yao Ming na nakipagdiwang sa paglagda ni Howard.

Nakisaya rin sina Ralph Sampson, Clyde Drexler at Elvin Hayes.

Siya ang magiging pinakabagong sentro na maglalaro para sa Rockets.

Tinuruan na siya ni Olajuwon para mapahusay ang kanyang laro at ang tinaguriang “The Dream” ay bahagi ng grupong nagtungo sa Los Angeles para kumbinsihing maglaro sa Rockets si Howard.

“He is the missing piece where he can really bring the team to a championship contender,” wika ni Olajuwon kay Howard.

BILL WORRELL

DWIGHT HOWARD

ELVIN HAYES

HAKEEM OLAJUWON

HALL OF FAME

HOWARD

LESLIE ALEXANDER

LOS ANGELES

ROCKET MAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with