Mammie ng UE suspindido

MANILA, Philippines - Kailangang magtrabaho ang mga malalaking manlalaro ng UE sa susunod nilang laro laban sa UST.

Ito ay matapos patawan ni league commissioner Chito Loyzaga ng one-game suspension ang 6’8” na si Charles Mammie matapos makita sa review ng tape ng laro ng UE at Adamson ang pagsipa ng Siera Leone native kay Roider Cabrera.

Nangyari ito matapos tumunog ang final buzzer pero sinabi ni Loyzaga na dapat ay ipinakikita ng mga UAAP ang tamang asal habang nagla-laro o matapos ang laro.

“We had observed that as the final seconds of the game had expired, you were seen confronting, pu-shing and kicking Adamson player Roider Cabrera from behind with the intention to hurt,” ani Loyzaga sa kanyang memo.

Ito ang ikalawang me-mo para kay Mammie dahil noong Hulyo 8 ay binigyan na ng warning ni Loyzaga ang baguhang manlalaro matapos tukuran at sikuhin sa ulo si Emmanuel Mbe ng NU.

 

Show comments