Nuggets, J.J. Hickson, nagkasundo

MANILA, Philippines - Nakipagkasundo ang Denver Nuggets sa isang three-year, $15 million-plus contract kay free agent J.J. Hickson, ayon sa pahayag ng mga sources sa Yahoo! Sports.

Bibigyan ng Denver si Hickson, isang 6-foot-9 forward-center, ng taunang $5 milyon bukod pa ang 4.5 percent annual bonuses na pinapayagan sa ilalim ng Collective Bargaining Agreement, sabi ng sources.

Nawala sa Nuggets si free-agent forward Andre Iguodala na lumipat sa Golden State Warriors para sa isang four-year, $48 million deal.

Pinaplantsa pa ni Denver GM Tim Connelly ang kontrata para kay restricted free agent center Timofey Mozgov, wika ng sources.

Ang pagkuha kay Hickson ay hindi nangangahulugan na isusuko na nila ang 7-foot Russian center para sa isang multi-year deal.

 

Show comments