MANILA, Philippines - Nakipagkasundo na ang Chicago Bulls sa two-year, $6 million deal kay free agent Mike Dunleavy Jr., ayon sa source ng Yahoo! Sports.
Ang isa sa hinahabol na mid-level salary players sa free-agent market na si Dunleavy, 32-gulang ay pinag-interesan din ng Minnesota, Houston at Dallas, ayon sa mga balita.
Lumaro si Dunleavy sa Bucks sa nakaraang dalawang seasons.