MANILA, Philippines - Isang karagdagang karangalan para sa Iranian naÂtioÂnal team na sasabaksa darating na 27th FIBA-Asia Men’s ChamÂpionships.
Ipinagdiwang ng Iran ang pagkakahirang kay forward Arsalan Kazemi bilang unang Iranian player na naÂkuha sa NBA draft.
Si Kazemi ay hinugot ng Washington Wizards bilang 54th pick sa 2013 NBA draft.
Ngunit matapos kunin ng Wizards, dinala naman ang 6-foot-8 Iranian sa Philadelphia 76ers kung saan co-team owner si Indonesian business mogul Erick ThoÂhir, miyembro ng FIBA-Asia Executive Committee.
Ikinasiya ng FIBA-Asia officials ang inaasahang pagÂlalaro ni Kazemi sa darating na NBA season.
“It’s a matter of pride for all of us in FIBA-Asia that a player who grew amidst us in our events has made it to the NBA,†wika ni FIBA-Asia president Sheikh Saud bin Ali Al-Thani sa fibaasia.net report.