May Super Liga na ang volleyball

MANILA, Philippines - Nakatakdang ilunsad ang Philippine Super Liga Invitationals, isang bagong club league na idinesenyo para sa mga volleyball stars na natapos na ang collegiate years, sa susunod na buwan.

Ang Philippine Super Liga ay inorganisa ng SportsCore, isang sports event at management group na itinayo ng mga beteranong sports events managers at organizers na nag-organisa ng 2014 Fourth Asian Beach Games sa Phuket, Thailand, katuwang ang Solar Sports, ang pangunahing sports entertainment provider sa bansa.

Sa nakaraang mga taon ay sumikat ang volleyball mula sa mga matagumpay na programa ng University Athletic Association of the Philippines, National Collegiate Athletic Association at iba pang liga.

Nakita ng SportsCore ang panga-ngailangan sa club destination para sa mga atletang natapos na ang collegiate playing years.

“SportsCore will try to raise the level of competition in the sport with the Philippine Super Liga, the very first club volleyball league in the Philippines,” sabi ni Ian Laurel, ang PSL Invitational Commissioner at SportsCore Vice President. “We hope the PSL will be the next venue that allows players to develop high-level skills in a local setting that conforms to the international standards of the sport. The PSL should be a league that puts premium for the advancement of a volleyball player to pursue the sport after college.”

Idinagdag pa ni Laurel na nagkaroon ng malaking pagbaba ang sport sa likod ng pagkakaroon ng high-level volleyball competitions sa nakaraang 10 taon.

Ang isang patunay dito ay ang kawalan ng National teams para sa international competitions sa kabila ng malakas na commercial at school-based volleyball leagues.

“Volleyball is the most watched event in the Olympics. It is one of the most po-pular sports in the world. The Philippines must pounce on the advances gained by the sport and make itself a powerhouse at least in the region,” ani Laurel.

Bukod sa TV partner na Solar Sports, tumanggap din ang PSL ng mahalagang technical backing at suporta mula sa Philippine Sports Commission, San Juan Arena,  Healthway Medical, LGR outfitter,  Lenovo,  Vibram Five Fingers, Pagcor at Mikasa.

Magsisimula ang PSL sa Hulyo 7 sa Philsports Arena.

Show comments