^

PM Sports

J.R. Smith tinanggihan ang option sa Knicks

Pang-masa

NEW YORK – Ipinaalam na ni Sixth Man of the Year J.R. Smith sa New York Knicks na hindi niya gagamitin ang option sa kanyang contract para sa susunod na season upang maging free agent.

Sinabi rin ng team spokesman nitong Martes na nagbigay ang  Knicks ng qualifying offer kay forward Chris Copeland para maging restricted free agent kaya puwede nilang tapatan ang anumang  offer sa kanya.

Inaasahan na ang desisyong ito ni Smith dahil di malayong kikita ito ng higit pa sa $2.9 million na nakatakda niyang tangggapin sana sa susunod na season.

Masaya naman si Smith na produkto ng New Jersey, sa New York kung saan kasama niya ang longtime teammate na si Carmelo Anthony kaya inaasahang mananatili ito sa team sa tamang offer.

Nag-average si Smith ng 18.1 points sa 80 regular-season games ngunit ang kanyang masamang 29 percent shooting at mahinang pagdedesisyon sa  huling walong postseason games ay makakasama sa kanya.

CARMELO ANTHONY

CHRIS COPELAND

INAASAHAN

IPINAALAM

MASAYA

NEW JERSEY

NEW YORK

NEW YORK KNICKS

SINABI

SIXTH MAN OF THE YEAR J

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with