Back-to-back tangka ng SBC
MANILA, Philippines - Mas magandang laro ang inaasahang makikita ni coach Teodorico ‘Bo-yet’ Fernandez sa kanyang mga alipores sa San Beda sa puntiryang ikalawang sunod na panalo laban sa Lyceum sa pagpapatuloy ng 89th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Galing ang three-time defending champion Red Lions sa makapigil-hini-ngang 71-70 panalo sa host College of St. Benilde sa pagbubukas ng liga noong Sabado sa Mall of Asia Arena.
Nawala ang 13-puntos kalamangan sa pagbubukas ng huling yugto, sinandalan ng Lions ang krusyal na alley-hoop inbound play nina Rome dela Rosa at Art Dela Cruz sa huling 4.7 segundo para maitakas ang panalo.
“We’ll just have to enjoy that game. But we will look at the tapes at pag-aaralan namin ang mga free throws and see how we can take care of the ball and our miscoverages sa game,†wika ni Fernandez.
Solo-liderato ang mangyayari sa Lions kung manalo sa pang-alas-sais ng gabing tunggalian nila ng Pirates na determinado namang higitan ang tatlong panalo na nakuha sa Season 88.
Babalik ang mga beteranong sina Shane Ko at Dexter Zamora para sa koponan ni coach Bonnie Tan na makakatulong sa pagdiskarte si Barangay Ginebra mentor Alfrancis Chua na kinuhang consultant ng Lyceum.
“Ang experience ni coach Al ang malaking bagay na maibibigay niya sa amin para maabot ang target na maka-seven wins this year. Well supported ang mga players at mula pa noong April ay naka-quarters na sila kaya andoon na ang camaraderie. Hopefully ay maganda ang ipakita namin against San Beda,†wika ni Tan.
Mag-uunahan naman sa unang panalo ang mga bagong bihis na Jose Rizal University at Mapua Cardinals na magpapang-abot sa ganap na ika-4 ng hapon.
May 11 rookies ang Heavy Bombers sa taong ito kaya’t ang magtrabaho at lumalaban sa bawat laro ang nais na makita ni coach Vergel Meneses.
Didiskarte naman sa Cardinals ang dati nilang star na naging PBA Le-gend na si Fortunato ‘Atoy’ Co ngunit ang koponan ay nawalan din ng mga key players sa off-season.
Graduate na sina Mike Parala at Jonathan Banal habang wala rin sa line-up sina Josan Nimes (injury) at Gabriel Banal (umalis sa team) kaya’t kina Kenneth Ighalo at Joseph Emmanuel Eriobu Jr. itataya ang laban ng Cardinals.
- Latest