^

PM Sports

Puwede nang mag-relax si LeBron

Pang-masa

MIAMI – Matapos maging two-time NBA champion at two-time Finals MVP, makakapagpahinga na si LeBron James.

Nakasama siya nina Michael Jordan at Bill Russell bilang tanging mga players sa NBA history na nanalo ng back-to-back Finals MVP at regular-season MVP awards.

Sa Game 7 ng NBA Finals, nagposte si James ng 37 points at 12 rebounds at kinontrol ang halos lahat ng bagay sa  laro para tulungan ang Heat sa 95-88 panalo laban sa San Antonio Spurs.

“This is what it’s all about,” sabi ni James. “I came here to win championships and to be able to go back-to-back, two championships in three years, so far, it’s the ultimate.”

Sa season kung saan siya hinirang bilang MVP sa ikaapat na pagkakataon, idinagdag niya ang ikalawang NBA ring sa kanyang koleksyon.

Umiskor si Dwyane Wade ng 23 points para sa kanyang ikatlong NBA title, habang may 18 points si Shane Battier at 14 si Mario Chalmers para sa Heat.

Walang naiskor si Chris Bosh.

Ngunit balewala ito dahil sapat na ang pagbibida ni James para punan ang anumang kakulangan ng Heat.

“It became time,” wika ni Miami coach Erik Spoelstra kay James. “He always rises to the occasion when it matters the most, when the competition is fiercest.”

BILL RUSSELL

CHRIS BOSH

DWYANE WADE

ERIK SPOELSTRA

MARIO CHALMERS

MATAPOS

MICHAEL JORDAN

SA GAME

SAN ANTONIO SPURS

SHANE BATTIER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with