MANILA, Philippines - Dahil batid ng lahat na nais nang matapos ni free agent Chris Paul ang negosasyon, muling binuhay ng Los Angeles Clippers ang pakikipag-usap sa Boston Celtics para sa Kevin Garnett-Doc Rivers deal nitong Miyerkules, ayon sa mga source.
Iniwanan ng Clippers ang negosasyon noong Lunes matapos ipilit ang hinihinging presyo para kay DeAndre Jordan bukod pa sa dalawang first-round picks na para sa kanila ay masyadong malaki upang makuha si Garnett.
Umasa ang Clippers management na hahabulin sila ng Boston sa paniniwalang hindi na maaayos ang relasyon ng Celtics kay Rivers ngunit ayon sa source ay ang kagustuhan ni Paul na lumaro para kay Rivers kasama si Garnett ang nag-tulak sa Los Angeles para buhayin ang negosasyon.
Nakipag-ayos ang Clippers sa five-year, $35 million deal kay Rivers na tinatayang aabot sa $8 million kada taon na may kasamang incentives, ayon sa mga source. Iwe-waive ni Garnett ang kanyang no-trade clause bilang bahagi ng deal.
May mga taong nagsikap na muling pag-usap-usapin ang Clippers, ang Celtics at si Rivers dahil lahat ay naghihintayan lamang.
“The money is not a hang-up in this right now,†sabi ng isang source. “It’s about the draft pick.â€
Iginiit ng Celtics ang dalawang first-round draft picks na isama sa deal ngunit isa lang ang gustong pakawalan ng Clippers. Optimistiko ang Clippers na maaayos ang negosasyon.