Coach Rivers hindi sigurado kung babalik sa Celtics

MANILA, Philippines - Matapos ‘di matuloy ang blockbuster deal  dahil sa isyu sa dagdag na draft pick, hindi sigurado si Doc Rivers kung babalik pa sa Boston Celtics bilang coach, ayon sa mga source ng  Yahoo! Sports nitong Martes.

Sinabihan ni Celtics general manager Danny Ainge si Rivers ukol sa nasirang negosasyon at sinabi nitong nais pa rin ng Celtics na magbalik ito sa team at tapusin ang huling tatlong taon ng kanyang $21 million contract, ayon sa mga source.

Bibiyahe si Rivers sa Boston nitong Miyerkules para talakayin nila ni Ainge ang kanyang future. Plano ng Celtics at ni Rivers na magkaroon ng kasunduan, ayon sa source.

Ayaw pakawalan ng Clippers ang dalawang first-round picks at si  DeAndre Jordan na bahagi ng package para makuha si Kevin Garnett at Rivers sa Los Angeles.

Nagsimulang mag-alanganin ang Clippers sa trade nitong mga nagdaang araw dahil sa five-year, $35 million contract na kinailangang isara para kay Rivers bukod pa sa $3 million-plus trade kicker sa kontrata ni Jordan.

Nagkasundo na ang Clippers at si Rivers sa five-year contract na may incentives na maaaring magpalaki ng kanyang suweldo sa $8 million, ayon sa sources.

Bagama’t gustung-gusto ni Rivers na lumipat sa Clippers, nais gamitin ng Boston management ang trade na para sa kanilang rebuilding process.

Show comments