Titulo na nakawala pa sa San Antonio

MIAMI -- Aminado si San Antonio Spurs guard Tony Parker na napasakamay na nila ang pagkakataong makuha ang kanilang pang-limang NBA cham-pionship trophy ngunit sa kasamaang palad ay nakawala pa ito sa kanila.

“Obviously it’s a tough loss,’’ wika ni Tony Par-ker. “We had a great opportunity to finish it, but that’s basketball. Now we can show what we’re made of and have a great opportunity. We can’t forget that we have another opportunity on Thursday to win a championship.’’

Naubusan ng lakas si Tim Duncan sa fourth quarter matapos manguna sa unang tatlong yugto para sa Spurs sa kanilang kabiguan sa Miami Heat sa Game 6 ng NBA Finals.

Kumolekta si Duncan ng 30 points at 14 rebounds sa unang tatlong yugto at hindi na nakaiskor sa fourth quarter.

Naglista ang 37-anyos na si Duncan ng 0-of-5 fieldgoals sa fourth quarter at sa overtime.

Kaya naman nanghihinayang si Manu Ginobili sa kabiguan nilang tapusin ang NBA Finals.

“We just gave them another chance and it hurts. It’s one of those moments where you’re going to be thinking about what we could’ve done better in those last possessions, so many times, all night long, till the next game. It’s terrible,’’ sabi ni Ginobili.

Nakatakda ang Game 7 nitong Huwebes sa Miami.

Sa pamumuno ni Duncan, kinuha ng Spurs ang 75-65 bentahe papunta sa fourth quarter.

Namayani naman si LeBron James sa final canto para ibigay sa Miami ang 89-86 abante sa huling 1:30 ng extension period.

Show comments