V-Belles bubuwagin - Garcia
MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ni Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia na bubuwagin ang koponan ng mga Shakey’s V-League players na lumahok sa Southeast Asian qualifiers ng 2014 FIVB Women’s World Championships sa Vietnam.
“Just what I’ve said before they left, the team will be disbanded after the Vietnam and upon their return,†wika ni Garcia sa weekly press briefing sa PSC admi-nistration building sa Rizal Memorial Sports Complex.
“In the first place, we didn’t know if their mother schools including National U and Ateneo will still allow their players to play,†dagdag pa nito.
Tumapos ang koponang tinawag na V-Belles bilang third placer sa nasabing four-team tournament na naglaan ng isang puwesto para sa 2014 World Championships.
Natalo ang Phl lady spikers sa nagreynang Vietnam, 9-25, 11-25, 18-25.
Matapos talunin ang Myanmar, 20-25, 25-14, 25-10, 25-17, nakalasap naman ang mga Pinay ng isang 25-20, 25-19, 25-22 pagkatalo sa Indonesia.
Halos isang linggo lamang ang naging pagsasanay ng koponan bago sumabak sa naturang torneo.
Sinabi ni Tony Liao, ang V-Belles’ team manager, na umaasa siyang muling susuporta sa kanila ang Smart at Shakey’s Pizza.
“This team has a lot of promise, we hope we continue the program,†wika ni Liao.
Ang pagbuwag sa V-Belles ay nangangahulugan na walang kinatawan ang bansa sa SEAG sa ikaapat na sunod na pagkakataon. Huling naglahok ang bansa ng koponan noong 2005 Manila SEA Games.
Sa kasalukuyan, may dalawang volleyball groups na nagtayo ng dalawang magkaibang koponan.
Bumuo ang isang grupo ng “Bomberinasâ€, habang ang V-Belles ang sa kabilang grupo.
“It’s not enough for them to pass our criteria and play in the SEA Games, Thailand did not even participate there,†sabi ni Garcia.
“The team though exceeded expectations because I was expecting the worst. Under those circumstan-ces, they did well,†dagdag pa nito.
- Latest