SAN ANTONIO – Ang pagbabantay kay Dwyane Wade ay hindi madali para kay Tiago Splitter. Gayundin para kay Boris Diaw.
Inaasahan na ito. Parehong Big man ang dalawa.
Ang sinasabing malaking susi sa pagkapanalo ng Miami sa Game 4 ng NBA Finals nitong Huwebes ay ang katotohanang hindi kaya nina Splitter o Diaw si Wade at maging kahit na sinong player ng San Antonio.
Ang finals ay best-of-three na lamang na tatapusin sa susunod na linggo sa Miami, salamat kay Wade na nagpamalas ng kanyang pinakamagandang laro nitong mga nagdaang buwan upang maitabla ng Miami ang serye.
Si Wade ay tumapos ng 32 points, six rebounds, six steals at four assists at na-kabangon ang Heat sa maagang 10-point deficit upang igupo ang Spurs sa 109-93.
“He was ‘Flash’ tonight,†sabi ni LeBron James.
“‘Flash’ was back,†sabi naman ni Mike Miller.
Ang ‘Flash; ay ang ibinigay na mo-nicker ni Shaquille O’Neal kay Wade nang ihatid niya ang Heat sa 2006 title.
Matagal na siyang hindi natawag sa pangalang ito ngunit tila naging angkop ito nitong Huwebes ng gabi.
“It felt good to have a performance like this in this game when we really needed it,†sabi ni Wade. “If we go down 3-1 tonight, it’s tough to climb back out that hole. So to respond, that’s kind of what you’re going to be judged by as a man. You are judged by how you respond. I thought my team responded well.