MANILA, Philippines - Sinagot na ng pamunuan ng Philippine Racing ComÂÂmission ang mga akusasyon na ibiÂnabato ng tatlong malalaking horse owners’ group at ipiÂnaabot sa MaÂlacañang.
Ayon kay Philracom chairman Angel Castano Jr., nakakuha na sila ng kopya sa mga reklamo na idinulog ng Tri-Org kay Pangulong Benigno Aquino III at sinagot na rin nila ito at ang tugon ay naipadala na sa Malacañang noong Martes.
“Yes. That’s all we did,†wika ni Castano.
Ang tugon ay upang pabulaanan na siya at ang buong Philracom board ay nagsumite na ng kanilang irÂreÂvocable resignation kahapon sa Malacañang.
Ito ang nilalaman ng press statement kahapon mula sa Tri-Org na binubuo ng MARHO, Philtobo at Klub Don Juan kasabay ng pagbawi na sa naunang ipinataÂwag na ‘racing holiday’.
Ang mga kasapi ay hinimok na magpatala na ng mga kabayo mula Biyernes hanggang Linggo matapos ihaÂyag ni Castano sa isang pagpupulong sa Tri-Org na magbibitiw na siya at ang iba pang board sa puwesto paÂra tapusin ang problema.
“In anticipation of Chairman Castano’s promise duÂring a meeting with him that he will tender his irreÂvocable resignation Wednesday and in line with our beÂlief that we have adequately conveyed to the Office of the President and to the racing public the sad state of the Philippine racing industry resulting from misÂmanagement by the current Philracom leadership, we are enjoining all owÂners and other stakeholders who sympathized with our cause to declare their horÂses for Friday, Saturday and Sunday racing,†naÂkasaad sa statement.
Pinatotohanan ni CasÂtaÂÂno na nakipagpulong siÂya sa kasapi ng Tri-Org noÂong nakaraang BiyerÂnes ngunit ang ipinagdiÂinan niya sa grupo ay ilaÂpit ng mga nag-aaklas na horse owners ang probleÂma sa Malacañang.
“Lagi ko naman sinaÂsaÂbi na kung ako ang gusto nilang alisin, puwede naÂman nilang idulog ito sa Malacañang na siyang nagÂlagay sa amin at huwag ng parusahan ang horse racing,†paliwanag ni Castano.
Ngayong sinagot na ng Philracom ang mga akuÂsasyon, nararapat na hinÂÂtayin na lamang ng lahat ang gagaÂwing aksyon ng Palasyo sa problemang ito.
Tampok na karera sa linggong ito ang 2nd leg ng Philracom Triple Crown Championship sa Sabado sa Philippine RaÂcing Club na kung saan ang mga malalaking horse owÂners na kasapi ng Tri-Org ang mga maglalaban-laÂban para sa P1.8 milÂyong gantimpala.