Ayaw nang pakawalan ng SMBeermen
FINALS
Laro NGAYON
(Mahaka Square, Jakarta, Indonesia
8 p.m. – Indonesia Warriors vs San Miguel Beer
(Game 3, best-of-5)
MANILA, Philippines - Makikita ngayon ang determinasyon ng San Miguel Beer kung mapapanalunan ang titulo sa ASEAN Basketball League (ABL) ang pag-uusapan sa pagtapak sa Mahaka Square sa Jakarta, Indonesia para muling harapin ang nagdedepensang kampeon na Indonesia Warriors.
Ang laro ay itinakda sa ganap na ika-8 ng gabi (Manila time) at balak ng Beermen na makumpleto ang sweep sa best-of-five title series.
Tangan ng tropa ni coach Leo Austria ang momentum matapos kunin ang 75-70 at 66-65 panalo sa Games One at Two na ginawa sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
“We have the momentum so we would want to finish the series early,†wika ni Austria na gustong ibigay sa Beermen ang ABL title sa unang taon bilang headcoach.
Hindi naman magiging madali ang planong 3-0 sweep dahil tiyak niyang lalaban ang Warriors.
“We know that a sweep will be difficult against the Warriors. We will just take it one play at a time. We will take advantage of eve-ry opportunity given to us,†dagdag ni Austria.
May kumpiyansa pa rin si Warriors head coach Todd Purves na maisasakatuparan ang planong maging kauna-unahang koponan na maka-back-to-back sa liga.
Ito ay kahit kailangan nilang talunin ang Beermen sa susunod na tatlong laro, kasama ang deci-ding Game Five sa Ynares Sports Arena.
“We came out one play short,†wika ni Purves sa kinalabasan sa Game Two.
“I’m extremely proud of our effort. We now look forward to getting back to Jakarta for more good basketball,†dagdag ni Purves.
Ang mga starters na sina Steve Thomas, Chris Daniels, Mario Wuysang at Stanley Pringle ang aasahan uli ng Warriors.
Ngunit makakatulong ang patuloy na paglalaro ni Jerick Canada na hindi natapos ang laro matapos mapilipit ang kaliwang tuhod sa huling yugto.
Sina Brian Williams, Justin Williams, Asi Taulava, Chris Banchero, Val Acuna at Leo Avenido ang mga kakamada sa Beermen pero makakatulong kung mapapanatili ng bench ang mas mainit na ipinakikita sa mga katapat sa Warriors para maidaos ang malaking selebrasyon sa gabing ito.
- Latest