MANILA, Philippines - Itinala ng Blackwater Sports ang kanilang pangalan bilang ikalawang kampeon sa PBA D-League nang iuwi ang 80-74 panalo sa NLEX Road Warriors at wakasan ang tagisan sa Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Ang limang kamador ng tropa ni coach Leo Isaac ay nanalasa nang husto para makaba-ngon ang Elite mula sa 18-puntos pagkakalubog sa kaagahan ng ikatlong yugto tungo sa 2-0 sweep sa best-of-three finals.
Ito ang unang titulo ng Elite sa liga at tinapos nila ang apat na sunod na conference na pagdodomina ng Road Warriors.
“I told the players we can’t get back in this game if we lose our composure. I though they showed tremendous determination during that challenging stretch,†wika ni Isaac.
May 20 puntos si Robbie Celiz at tatlo rito ay ginawa sa krusyal na 5-2 palitan para bigyan ang Elite ng tatlong puntos na kalamangan matapos ang huling tabla sa 72-all, sa huling 20.7 segundo.
Tinangka ng Road Warriors na lumapit pero hindi bumigay ang depensa ng Elite. Sinupalpal ni Narciso Llagas si Nico Salva at kahit nanatili ang bola sa NLEX, nawalang-saysay ito nang sumablay ang sana’y panablang tres na binitiwan ni Ronald Pascual.
Sa ikalawang sunod na laro ay nakitaan ng tibay ang beteranong guard na si Allan Ma-ngahas na may 13 puntos, 11 rebounds at 5 assists habang si Justin Chua ay may 17 at walo rito ay pinakawalan sa 9-0 palitan na tuluyang nagbigay ng momentum sa Blackwater sa hinawakang 69-64 bentahe.
May 12 puntos si Ke-vin Ferrer habang 11 puntos at 11 rebounds ang hatid ni Llagas.
“Masarap ang feeling. Finally, we have proven that any team can achieve this. Just believe in your players, imply discipline and believe in the system,†dagdag ni Isaac.