Kroenke nanghinayang sa pagkawala nina Ujiri at Karl

DENVER -- Sinabi ni Denver Nuggets president Josh Kroenke na naging mahirap para sa kanya ang pagkawala ng isang NBA’s executive of the year ang isang head coach of the year na nagbigay sa kanila ng franchise record na 57-win season.

“But I’m not here to win awards, I’m here to win banners,” sabi ni Kroenke.

Umalis si executive Masai Ujiri sa Nuggets para sa pa­ngarap niyang pagiging general manager ng Toronto Raptors at kasunod nito ay ang pagkakasibak ng Denver kay NBA Coach of the Year ni George Karl.

Si Karl ay may natitira pang isang taon sa kanyang kontrata, naglalaman ng isang three-year term option.

 

Show comments