MANILA, Philippines - Walang ibang masasaktan sa dek-larasÂyon ng racing holiday ng tatlong malalaking horse owners group kungdi ang industriya na sinasabi nila na ka-nilang iniingatan.
Ito ang tugon ni Philracom chairman Angel Castano Jr. na kinuwestiyon din ang aksyon ng mga mayayamang horse owners na pilit na inaalis ang 3 percent na ibinabawas sa nakukuhang premyo para ibigay sa Trainers’ Fund.
Inamin ni Castano na matagal nang nakipagpulong ang Philracom sa MARHO, Klub Don Juan at Philtobo at Phi-lippine Horse Trainers Association para sana hanapan ng maayos na solusyon ang problemang nabanggit ngunit hindi maayos ang problema dahil sa paggigiit ng kani-kanilang posisyon.
“Ang resolution na ito ay ginawa hindi sa aming kapanahunan. Kami ay naupo lamang noong Agosto, 2011 at hindi kami ang may gawa ng lahat ng problemang ibi-nabato sa amin,†wika ni Castano.
Hindi maaaring pagbigyan agad ang kahilingan ng Tri-Org na biglang alisin ang kinukuwestiyong 3 percent dahil tatamaan ng husto ang mga trainers na maliit na sektor ng industriya.
Sinabi pa ni Castano na nakiusap na ang Philracom sa mga horse owners na kung puwede ay bawasan na lamang ang porsiyento na tinatanggal sa kanila pero hindi bumibigay ang mga horse owners at ang gusto ay alisin ito ng tuluyan.
Idinagdag pa ni Castano na binabawasan din ang mga horse owners ng 2 ½ percent sa kanilang premyo para sa Jockey’s Fund kaya’t laking gulat niya at ang trainers fund lamang ang tinutumbok ng Tri-Org.
Dahil sa gulo ay sumulat ang Tri-Org sa Malacañang at ipinasisibak sa puwesto ang lahat ng opisyales ng Philracom.
Para palakasin ang panawagan, nagdeklara ng racing holiday ang tatlong malalaking grupo na epektibo sa linggong ito.
“Maraming mga maliliit ang maaapektuhan nang husto sa deklarasyon ng racing holiday. Hindi ito maganda dahil ang industriya ang kanilang pinarurusahan,†dagdag ni Castano.
Bagama't may panawagan ng racing holiday, tiwala naman si Castano na hindi lubusang maisasagawa ito dahil may mga independent horse owners ang hindi naniniwala sa ipinaglalaban ng Tri-Org.