MIAMI -- BumaÂngon ang Miami mula sa kabiguan sa Game 6 upang igupo ang Indiana, 99-76, sa Game 7 ng kanilang Eastern Conference championships series.
Nagposte si LeBron James ng 32 points at nag-ambag si Dwyane Wade ng 21 para sa Heat na maglalaro sa NBA Finals sa pangatlong sunod na pagkakataon.
Sasagupain ng Miami ang San Antonio Spurs para sa NBA Finals na magsisimula nitong Huwebes sa South Florida.
Nagdagdag si Chris Bosh ng 9 points mula sa 3-of-13 shooting bukod pa sa 8 rebounds.
Nalimitahan ng Heat sina Pacers stars Roy Hibbert at Paul George sa 18 at 7 points. Nakuha ni George ang kanyang ikaanim at huling foul kay James sa 7:43 sa fourth quarter.
Rumesbak si Wade mula sa 12 sunod na laro na hindi siya nakaiskor sa pagkamada ng higit sa 20 points.
Nalimitahan si Wade, nagtala ng average na 21.2 points sa regular season, ng Indiana sa 14.6 points per game sa unang anim na laro sa kanilang serye, ngunit tumipa si Wade ng 7-of-16 fieldgoal shooting at 7-of-7 sa free throw line.
Huling umabante naman ang Pacers sa NBA Finals noong 2000 sa pa-ngunguna nina Reggie Miller at Jalen Rose at natalo sa Los Angeles Lakers nina Shaquille O’Neal at Kobe Bryant, 2-4.
Kinuha ng Heat ang 76-55 abante sa third quarter kung saan walang fieldgoal ang Pacers sa huling apat na minuto.