^

PM Sports

National athletes nagdomina sa PNG

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi napigilan sa pa­mamayagpag ang mga na­tional athletes sa swimming at lawn tennis.

Kumuha si Olympic Games campaigner Jessie Khing Lacuna ng dalawang gintong medalya sa men’s 200-meter freestyle at sa 400-m individual medley mula sa kanyang mga oras na 56.64 segundo at 4:40.25, ayon sa pagkakasunod, sa Day 2 sa RMSC Swimming Pool.

Sa Day 1 ay tatlong gold medals ang nila­ngoy ng tubong Pulilan, Bu­­lacan mula sa 400m free­­style (4:7.86), 100m free­style (53.15) at 200m back­stroke (2:18.59).

Lalahok pa siya nga­yong araw sa 100m butterfly, 200m IM, 50m free­style at sa 100m breast­stroke events.

Pumitas ang 19-anyos na si Lacuna ng anim na gintong medalya sa 2011 National Games sa Ba­colod City at lima sa Du­maguete City noong na­ka­raang taon.

Tumaas naman sa apat ang gintong inangkin ng 19-anyos na si Hanna Da­to ng Las Piñas City matapos manguna sa women’s 200m freestyle (2:09.28) at sa 400m IM (5:06.92).

Nauna nang kinuha ni Dato ang mga ginto sa 100m at sa 400m freestyle.

Sa lawn tennis sa RM­SC Tennis Center, tig-da­la­wang gintong medalya ang ibinulsa nina Fil-Ita­lian Mark Ant­hony Reyes at Marian Ca­padocia.

Pinayukod ni Reyes si Elbert Anasta, 7-5, 6-1, sa men’s singles at nakipag­tambal kay PJ Tierro para igu­po sina AJ Lim at Ro­el Licayan, 6-2, 6-3, sa men’s doubles finals.

Matapos namang ku­nin ang ginto sa women’s singles ay nakipagtulu­ngan si Capadocia kay Maika Tanpoco upang talunin sina Clarice Patrimonio, anak ni dating four-time PBA MVP Al­vin Patrimonio, at Fil-Spa­nish Edlyn Balanga, 6-1, 4-6, 10-3, at angkinin ang gold medal sa wo­men’s doubles.

Sa athletics sa Philsports Arena sa Pasig Ci­ty, nagposte si Fil-Am hurd­ler Eric Cray ng bagong na­tional record nang mag­lista ng bilis na 14.22 segundo sa heat ng men’s 110m hurdles.

Binura ni Cray, may ka­mag-anak sa Olongapo, ang dating 14.58 oras ni Patrick Unso na naitala no­ong 2011 sa Southeast Asian Games sa Palembang, Indonesia.

Ang tiyempong 14.22 segundo ang naitala rin ni Cray sa UNF Springbreak Invitational noong Marso 5, 2011.

Ang 2013 National Games ay itinataguyod ng STI, Standard Insurance, Procter & Gamble, Summit Mineral Water, Ayala Corp., LBC, 7-11, Nestle-Milo, Aranas Law Office, Bala Energy Drink, Splash Islands, Enchanted Kingdom, Everlast, Innoderm, Peak Martial Arts, Kix Sports, BSP Emplo­yees Association at ng Spin.ph.

ARANAS LAW OFFICE

AYALA CORP

CLARICE PATRIMONIO

EDLYN BALANGA

ELBERT ANASTA

ENCHANTED KINGDOM

ERIC CRAY

NATIONAL GAMES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with