^

PM Sports

Li Chao kampeon sa Pacquiao chessfest

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagharian ni Chinese Grandmaster Li Chao ang $100,000 Asian Continental Chess Championships matapos makipag-draw kay Filipino GM Mark Paragua sa 16 moves ng isang Slav Defense sa ninth at final round sa Midas Hotel and Casino sa Pasay kahapon.

Nagtala ang second-seeded na si Li ng 7.0 points para pamahalaan ang nasabing torneo.

Ang kanyang 52-move victory sa isang Sicilian duel kontra kay Uzbek GM Marat Dzhumaev noong Sabado ang nag-akyat sa kanya sa overall standings.

Tumabla naman ang 29-anyos na si Paragua kina top seed Vietnamese GM Le Quang Liem at GM Oliver Barbosa para sa second spot mula sa magkakapareho nilang 6.5 points.

Sapat na ito para makakuha ng tiket si Paragua sa World Chess Cup.

Sasabak si Paragua sa World Cup sa ikaapat na pagkakataon matapos noong 2004 sa Libya at noong 2006 at 2010 sa Khanty-Minsk, Russia.

Kakampanya rin sa World Cup sina Li, Le at Indian GM Baskaran Adhiban, binigo si GM John Paul Gomez sa 45-move win sa isang Caro-kann game.

Nag-draw naman sina Le, ang highest ranked player sa torneo sa kanyang FIDE rating na 2714, at Barbosa, ang highest rated Filipino chesser na may 2566 ELO rating, sa 17 moves ng isang Queen’s Pawn game.

Umiskor ng panalo si United States-based Filipino GM Julio Catalino Sadorra matapos ang 34 moves sa isang Slav battle kontra kay Vietnamese GM Dao Thien Hai para sa kanyang 6.0 points.

Nakihati sa puntos si Roel Abelgas, ang coach ng La Salle-Dasmarinas chess team, kay Kazakh International Master Kirill Kuderinov para hirangin bilang isang IM kagaya ni Emmanuela Emperado, anak ni dating many-time Olympiad veteran Mila Emperado.

 

vuukle comment

ASIAN CONTINENTAL CHESS CHAMPIONSHIPS

BASKARAN ADHIBAN

CHINESE GRANDMASTER LI CHAO

DAO THIEN HAI

EMMANUELA EMPERADO

JOHN PAUL GOMEZ

JULIO CATALINO SADORRA

KAZAKH INTERNATIONAL MASTER KIRILL KUDERINOV

PARAGUA

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with