Porter pinag-iisipang kunin ng Cavaliers sa draft
CLEVELAND -- Ikinukunsidera ng Cavaliers ana kuÂnin si Georgetown forward Otto Porter bilang No. 1 pick sa darating na NBA Draft, ayon sa Washington Post.
Bagama’t wala pang nakakaalam kung sino ang hiÂhirangin bilang top choice, pinapahalagahan na sina Kansas guard Ben McLemore at Kentucky center Nerlens Noel.
Ngunit tila mas gusto ng Cavaliers si Porter, sinasabing pinakahandang player sa NBA Draft.
“I definitely see myself up there,†wika ni Porter. “My versatility. I think that’s definitely going to show when I get to the NBA. My ability to rebound, bring it up the court, make something happen or set up the play. Anything that it has in store for me, I think my verÂsatility is going to carry over.â€
Sa kabila ng hindi pagkakaroon ng pinakamasamang record sa NBA, nakuha ng Cavaliers ang draft lotÂtery para sa top choice.
Maraming kailangan ang Cavaliers at isa sa mga poÂsisyong hinahanap nila ay ang nilalaro ni Porter.
Interesado rin ang Washington Wizards, pipili ng ikatlo sa draft, kay Porter.
Hawak naman ng Orlando Magic, ang may pinakaÂmaÂsamang record sa NBA, ang No. 2 pick.
- Latest